Pilipino Star Ngayon, January 20, 2010
Matapos Maudlut-Udlot, Regine at Aga Tuloy Na ang Shooting
ni Nitz Miralles
Matutuwa ang mga naghihintay sa pelikulang balik-tambalan nina Regine Velasquez at Aga Muhlach na Of All the Things dahil tiniyak ng Viva Films na maipapalabas ang nasabing pelikula na Valentine’s Day presentation ng movie outfit.
Nasa CamSur ngayon ang dalawa at si Bb. Joyce Bernal para tapusin na ang pelikula na ilang buwan na ring sinu-shoot. Iba’t ibang dahilan ang narinig namin kung bakit hindi magtuluy-tuloy ang shooting, pero ’wag na tayong magbanggit ng pangalan dahil ang importante, tatapusin na ang pelikula para maipalabas sa Feb. 10 o sa Feb. 17.
Nangako raw si Regine na tatapusin ang shooting bago sila umalis ni Ogie Alcasid sa Feb. 1 para sa shows nila sa Qatar sa Feb. 4 at sa Feb. 5 sa Dubai.