Director Joyce Bernal explains why Of All The Things still isn't finished
Rose Garcia
Saturday, February 27, 2010
11:20 AM
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Joyce Bernal nang dumalo ito sa red carpet party ng YES! para sa 10th anniversary celebration ng magazine sa NBC Tent noong February 23, hindi nito itinanggi na inalok sa kanya ang pagdidirek ng magiging ika-apat na primetime tambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang Tagalog adaptation ng Koreanovela na Endless Love.
Si Direk Joyce rin ang director ng tatlong naunang primetime series ng dalawa.
ENDLESS LOVE. Pero may balitang tinanggihan daw ni Direk Joyce ang Endless Love. Ayon naman sa kanya, hindi naman daw sa tinanggihan.
"Hindi naman... Sabi ko kay Dong, even earlier... sabi ko, magko-concentrate lang ako sa pelikula, pero, ganito 'yan ha... just in case—alam mo naman ang pelikula kung matuloy or hindi—pero just in case, sina Robin [Padilla] at Aga [Muhlach] kasi, ayaw nila na nagso-soap ang director nila. Pero just in case lang na merong hindi matuloy, e, di gagawin ko...
"Yung Robin project kasi [with Toni Gonzaga under Star Cinema], supposed to be mag-i-start kami ng December, and then naging February, and then hindi pa kami nag-i-start ngayon. So, sabi ko, magkakasabay-sabay."
DELAYS. Kinamusta rin namin kay Direk Joyce ang Of All The Things, ang reunion movie nina Regine Velasquez at Aga na supposedly pang-Valentine sana. Pero until now, hindi pa rin sila tapos mag-shooting.
"Yun nga, parang weekend na lang kami nagsu-shoot. Kasi si Regine, busy na siya. Pero siguro mga 75 percent na ang nasu-shoot namin. Pero yung naiiwan na mga 25 percent, yun ang mga naiiwan na mahihirap. Actually ang goal nga namin ngayon, matapos na lang."
Bakit nagka-delay-delay?
"Noong una kasi, nag-stop kami because of Aga. Tapos, may soap ako. Hindi niya nga kaya na may soap ako. And then, nagkasakit si Regine. Tapos si Aga, na-injure rin. And then, yun na!
"Noong available na ang dalawa, hindi naman na available ang iba namin. Siyempre, may buhay rin naman ang iba, di ba? Ang available na lang ngayon, kami na lang ni Aga," natatawang kuwento niya.
_____________________________________________________________