December 16, 2009 06:30 PM
Aga-Regine movie, sa Valentine ipalalabas
By: Nitz Miralles
Basta
Ang pelikula nina Regine Velasquez at Aga Muhlach na Of All The Things ang Valentine presentation ng GMA Films na co-producer ng Viva Films sa nabanggit na pelikula. Dapat January 8, 2010 ang playdate ng movie, pero hindi agad natapos ni Direk Joyce Bernal na naging busy sa pagdididek ng Stairway to Heaven.
Kung hindi kami nagkakamali, first movie ito ni Aga sa GMA Films at magandang abangan kung magpo-promote siya sa mga show ng GMA-7.
Playdate ng Valentine movie ni Richard Gutierrez ang ookupahan ng Aga-Regine movie. Walang mahanap na right project at right leading lady for Richard, kaya wala muna siyang Valentine’s Day movie this year. Hindi nag-materialize ang plinano na trilogy movie for him with different leading ladies dahil baka maging Shake, Rattle & Roll ang pelikula.
_________________